Limampung Dekadang Kaluwalhatian
KBCF 50th Anniversary Theme Song
Ptr. Ronel Rubrica
10/15/20251 min read


Kinatha ni Ronel Rubrica / Inareglo ni Erick Fabian
(Verse)
Sa bawat landas ng aming paglalakbay
Sa bawat pahina ng aming kasaysayan
Lagi Kang naroon, O Diyos, aming gabay
Yakap ng pag-ibig Mo, sa amin laging laan!
(Pre Chorus)
Sa hamon at pagsubok Ikaw ang katatagan
Ang yaman ng biyaya Mo’y di mapapantayan!
[Chorus]
Kaya sama-sama kaming magpupuri at sasamba sa'Yo!
Aming itatanghal, kadakilaan at kaluwalhatian Mo!
Ang katapatan Mo’y taos-pusong ipagdiriwang!
Sa'Yo lamang, O Diyos, ang lahat ng karangalan!
Sa bagong hakbang na aming tatahakin
Kalooban Mo, Hesus, ang s'yang susundin
Hawak-kamay, Espiritu'y kasama natin
Pananampalataya na higit pa sa ginto’y pagyamanin
(Pre Chorus 2)
Inihubog at dinadalisay upang maging wagas
Hanggang kami’y maging kawangis ni Kristo sa landas
(Chorus)
Kaya sama-sama kaming magpupuri at sasamba sa'Yo!
Aming itatanghal, kadakilaan at kaluwalhatian Mo!
Ang katapatan Mo’y taos-pusong ipagdiriwang!
Sa'Yo lamang, O Diyos, ang lahat ng karangalan!
(Bridge)
Sa limang dekada ng Iyong pagmamahal
Narito kami sa'Yo, gamitin Mo oh Diyos!
Limampung taon, kami'y Iyong itinawid!
Kaya't kami’y hahayo, ebanghelyo'y itatanghal
Tapat na maglilingkod, sa buhay na matuwid!
(Chorus)
Kaya sama-sama kaming magpupuri at sasamba sa'Yo!
Aming itatanghal, kadakilaan at kaluwalhatian Mo!
Ang katapatan Mo’y taos-pusong ipagdiriwang!
Sa'Yo lamang, O Diyos, ang lahat ng karangalan!
(Outro/Tag)
Sa limampung taon ng Iyong katapatan!
Sa limang dekada ng Iyong kabutihan!
Alay nami'y sukdulang pasasalamat!
Itataas ang Ngalan Mo, tunay Kang karapat-dapat!
(Ending)
Ginintuang limampung taon, papuri sa'Yo, Panginoon!
Ginintuang limang dekada, luwalhati sa'Yo sa habang panahon!
(Reprise)
Kaya sama-sama kaming magpupuri at sasamba sa'Yo!
Aming itatanghal, kadakilaan at kaluwalhatian Mo!
Ang katapatan Mo’y taos-pusong ipagdiriwang!
Sa'Yo lamang, O Diyos, ang lahat ng karangalan!
(Ending 2)
Salamat oh Diyos sa ginintuang limampung taon
Papuri sa'Yo, Panginoon!
Luwalhati sa'Yo sa habang panahon!
Salamat Panginoon!!!
KBCF 50th Anniversary
#4 11th Jamboree St., Brgy. Sacred Heart Quezon City, Metro Manila, Philippines Tel. +63 2 8927-7420
©2025-2026 Kamuning Bible Christian Fellowship


